❝ p a l i h i m na p a g i b i g ❞
Nang dahil sayo naramdaman ko ang salitang ito,
dahil pinatibok, pinatibok mo puso ko na para lang sayo.
Maraming tao nagsasabi ❝bakit siya minahal mo?❞
Gayong hindi naman daw siya ang tipo ko.
Eh ano bang magagawa ko,
ano bang magagawa ko eh mahal ko na ang taong ito!
Pag ibig na nga yata talagang matatawag ito,
dahil kahit gaano kasama ng ugali mo minahal, minahal ka pa rin ng puso ko.
Pero isa lang ako sa nagaasam, nagaasam na mahalin mo rin ako.
Na sana mapansin mo rin na may isang katulad ko na naghihintay at nagmamahal sayo.
Isang pangarap nalang ba talaga na mahalin mo rin ako?
Gusto ko mang kausapin ka pero hindi ko magawa!
Dahil natatakot, natatakot ako na baka ipagtabuyan mo lang isang tulad ko na walang kwenta.
Puro nakaw na tingin laging nakukuha ko
at gustuhin ko mang titigan ka pero ako'y nahihiya,
ako'y nahihiya na mahuli mo at sungitan bigla!
Nakakainis na lihim na pag ibig na ito.
Bakit pa kasi ako umibig sayo?
Napakahirap naman nitong sitwasyon ko.
Laging palihim na kikiligin sa tuwing kakausapin ka
Laging palihim na magseselos sa tuwing may kakausapin kang iba.
Laging palihim na iiyak sa tuwing titingin ka sa taong gusto mo.
Kailan mo kaya mapapansin ang isang taong matagal nang umiibig sayo?
Nakakatawang isipin na sa gabi-gabing napapanaginipan kita,
gigising ako ng may ngiti sa labi,
pero agad itong mapapawi.
Dahil naalala ko, naalala ko na panaginip nga lang pala iyon.
Isang panaginip na kahit kailan,
kahit kailan ay hinding hindi mangyayari.
Pagibig ma'y masarap maramdaman,
pero sangkatutak na sakit,
sangkatutak na sakit hatid nito kapag nalaman mo na hindi ka mahal ng taong mahal ko.