Ngiti

Pag narinig mo ang salitang mahal kita
Mula sa aking dila
Dila na kayang sabihin sayo
Na dakila ka
Na mahalaga ka
Na espesyal ka
Na ikaw ang pinakamagandang babae na aking nakilala
 

Ngunit may mga oras
na ang aking dila ay may pagkakamali
Pagkakamali na nabibigkas ng aking dila
Mga pangako na hindi naten maiwasan
Na minsan ay nabibigkas at hindi nagagawa ngunit kaagilap ng dila
Ay ang aking mga paa at kamay
 

paa na kayang takbuhan gaano man kalayo
Para lang makapunta sa pinakamagandang
lugar dito sa mundo
at yun ay sa tabi mo
Mga kamay na handang magkasugat sa mga bagay na ikakasaya mo
Handang magpakagat at kurot pag ikaw ay gigil na gigil mga kamay ko na pupunas sa luha mo ,
mga kamay ko na kayang hawakan ang mga malalambot mong kamay.
 

At anjan din ang aking mga mata Mata na nagmumulat saaken
Sa katotohanan Na ang swerte swerte ko Higit pa sa manalo ng lotto
Ang mapunta ka saaken At mata ko na nagpapakita saaken
Ang ganda mo na walang sinoman
Ang makakahigit Tenga ,
aking tenga na handang makinig sa mga problema mo
At anjan din ang aking balikat balikat na masasandalan mo

Habang nagkwekwento ka
Ng mga bagay
Na prinoproblema mo
At ang aking tenga na hinding hindi magsasawa
Na marinig ang salitang Mahal mudin ako.
Mga labi ko na dadapo sa makinis mong noo na nagpapakita ng aking respeto saiyo.
labi ko na dadapo din sa iyong malambot at matamis mong labi
na magpaparamdam ng pagmamahal ko saiyo.

At mapasaya saiyo. aking mga braso na yayakap sayo sa tuwing ikay nanlalamig.
At higit sa lahat ang aking puso
Puso ko na tanging ikaw lang ang magmamayari
Puso ko na tanging iyo lang at ikaw lang ang laman
Puso ko na tapat na magmamahal saiyo
at higit sa lahat puso ko na mamahalin ka kung ano at sino ka.
 

 

This poem is about: 
Me
Guide that inspired this poem: 

Comments

germari

Do you have an english version of this?

Need to talk?

If you ever need help or support, we trust CrisisTextline.org for people dealing with depression. Text HOME to 741741