Ikaw at Ako sa Facebook
Ikaw at ako, paano ko ba ito sisimulang isasalaysay?
Sa yugto ba na kung saan tayong dalawa ay nagmamahalan?
Sa yugto ba na kung saan may lamat ng namagitan?
O sa yugto na kung saan si Facebook ay nagsmulang umiral sa ating dalawa?
Biak ang iyong puso samantalang naghihingalo naman sa akin
Dahil sa isang pakana ni Facebook tayo ay nagkakilala
Nagkwentuhan, naglabas ng sama ng loob at nagbiruan
Mga gawain natin upang makaramdam tayo ng kahit kaunting saya
May mga opinyon ka'y sa akin mo inilalabas
May mga tanong ako'y sinasagot mo
May mga chismiss ako'y sayo ko isinisiwalat
Kaysarap nating pagmasdan,ani ng aking isip 'nang minsan tayong nagkachat
Lumipas ang linggo't buwan
Araw gabi, walang oras na pinapalagpas
Nagkwentuhan ulit, naglabas ng sama ng loob ulit, at nagbiruan ulit
Kaysarap nating pagmasdan, ani ng aking isip at sana gayundin sa iyo
May mga tanong ka'y sinasagot ko agad
May mga opinyon ako'y sa iyo ko inilalabas
Araw gabi, lagi tayong nagchachat
Bawat segundo't minuto ikaw lamang ang magkachat
Hanggang sa dumating araw na aking inaasahan
IKaw ay nagtapat ng pag-ibig na agad namang naligaw
Dahil sa matinding kasabikan sinagot kita ng matamis kong oo
Kaysarap nating pagmasadan,ani ng aking isip at sigurado akong gayundin sa iyo
Lumipas ang buwan at taon
Pagmamahalan natin ay mas lalong yumabong
Nagkwento ka tungkol sa iyong sarili
Gaya mo ay nagkwento rin ako sayo ng totohanan
Ngiti't tawa ay araw-araw nakapinta sa aking labi
Ito'y hindi mawala-wala
Ito'y hindi gaya ng bula
Ngunit ang lahat pala'y isang maling akala
Kwento mo'y pawang kasinungalingan
Impormasyon mo'y pawang kasinungalaingan
Mga ibinahagi mo'y pawang kasinungalaingan
Pag-ibig mo'y pawang kasinungalaingan
Ikaw at ako, paano ko ba ito makakalimutan?
Sa yugto ba na kung saan hindi na lang ako nagmahal?
Sa yugto ba na kung saan hindi na lang ako nagtiwala?
O sa yugto na kung saan si Facebook ay hindi na lang umiral?